Si Aira habang natutulog ay nanaginip.
"Aira,ihanda mo ang Magartha sa matinding kapighatian. Bababa si Shaira upang kayo ay tulungan. ",Saad ng babae sa panaginip niya.
At nagising si Aira, At hapo siyang pumunta sa trono ni Ashera.
"Kamahalang Ashera,may pangitain akong nakita, tayo'y maghanda sa kapighatian sa Magartha. ",Saad ni Aira.
"Anong kapighatian Aira?, sinabi na din yan sa akin ni Sauro."
"Kamahalang Ashera,may nakita akong Babae na sa wari ko ay Bathaluman ng Tarsis.At binalaan niya ako.",Tugon ni Aira.
"Sabihin mo kay Janissa ang iyong nakita, at hayaan mong ito'y mabusisi ni Ayesha na kanang kamay ko.",Tugon ni Ashera.
At si Aira ay tumungo sa bulwagan ng Templo ng Magartha, nakaharap sa salamin.
At si Ayesha ay bumigkas ng Mantra.
"Oh Salamin na mahiwaga,ipakita mo sa amin ang nakatakda sa Magartha."
At tumambad sa Salamin ang isang itim na manggagaway na lulusob sa Magartha, Ngunit nakita rin nila ang isang Magu na lalaban dito.Si Maurus na darating pagkatapos ng 3000 taon.
"Nabatid na namin ang pangitain, huwag mangamba Aira,hindi tayo pababayaan ni Khendro. ",Saad ni Ayesha.
At dumating ang isang kagalakan sa buhay ni Ayesha, isinilang ang batang babae,
Siya ay tinawag na Heavena.
"Ngayon ay isinilang ang pag-asa ng Magartha.",Saad ni Ayesha.